The 6 Hours of Summer Waiting
Tuesday, April 26, 2011 | 1:43 PM | 0 letters
FROM 4 HOURS TO 6 HOURS
Nagpunta ako sa school ng 10. Nakakaewan lang dahil 1st class ko palang yun, samantalang last na ng mga kaklase ko. Bad trip talaga. Di ko maatim tignan yung mga kaklase ko, lalo na yung mga sumingit. Leche. Napakakapal talaga ng mga paltos sa mukha.
Minsan pakiramdam ko kulang pa yung mga kaewanan nilang ginawa nung enrolment. Mukhang dinagdagan pa nila para daw masaya. Pati ba naman sa groupings lantaran ang mga gawaing nakasasama ng loob
Isang hilera na nga kami, bakit kailangan pa kaming laktawan?
Dahil na rin sa nakikita kong wala kong patutunguhan, nagpalipat na ko ng sched. Buti pumayag si Ma'am. Buti pa sa class na napuntahan ko gusto nila akong kagroup. May mga magaganda paring bagay na nangyari kahit na super malas ko sa SpEd, sa 6 hours na vacant, sa ex classmates ko,sa halos humalik sa lupang grade sa gen pri at sa lrt na super bagal.
THE LEGEND OF 10AM CLASS
Dahil mabait ako at alam kong malala pa sa pila ng Wowowee and SpEd Enrolment, 6:30 palang e nakapila na ako. Pero kahit ganon pa man talo pa rin ng mga madudugas ang maagap. Bwiset! ang daming sumingit. Hindi na nahiya. Of all things pinakaayaw ko ang mga sumisingit sa pila. I feel na iyon ang umpisa ng lahat ng kadugasan sa mundo. You become too independent of other people tapos you'll forget everything about others. PAK. Anyways, hindi lang nakakapagod na araw ang napala ko, isama pa ang sinumpang schedule ng 10AM - 1PM and next clss ay 5PM - 8PM. Ewan ko pano naniwala yung nanay ko saken sa sched na yun. Day shift na nga, may night shift pa.
Alam ko na masama ugali ko pero hindi ko ineexpect na sobrang impyerno yung kalalagyan ko. Super malas talaga ng araw na to. Hindi ko na talaga alam kung paconsuelo de bobo ko lang na naurong ang klase ng 4 - 6PM.
THE 18 DAYS OF SUMMER CLASS
Hindi ko lam kung maniniwala ako kila Ate Marie na "okay na ang 3 units" at wag ng ituloy pa ang Spec. Iniisip ko kasi isang napakalaking jungle ang pagkuha ng Spec. Enrollment pa lang halos tumambling na ko tapos schedule pa. Pero kahit ganon pa man, nakakagulat na natapos ko ang Summer. Masaya pero mas maraming araw na nakakainis. Pakiramdam ko napakamalas ko talaga. Ang 18 Days of Summer ay parang isang napakahabang field trip sa lugar na may konting patak ng ligaya. Hay buhay.
MIDDLE GROUND
Sabi ng isa kong kaibigan dati, wala daw middle ground sa mundo. Paniwalang paniwala ako noon pero ang tagal tagal ko ng nararamdaman na meron talagang lugar na kung saan pwede ang "medyo" gaya nalang ng Summer class na 'to.
Masaya kasi ewan ko. Nakakaride ako sa ma trip ng mga kasama ko, ang sarap kumain, magbabad sa sine, matulog sa library at mangasar ng mga kung sinu sino. Nakakairita dahil pakiramdam ko asar saken yung Prof namin sa SpEd 2. Minsan talaga di ko malaman anong meron saken.
TO RESIGN OR NOT TO RESIGN
Isa pa yung sa PsychSoc. Handa na ko eh. Na tanggapin yung desisyon ng mga kaklase kong bumoto saken pero parang ang sarap magresign sa June. Ganito kaya mafeefeel ko 'pag nagtatrabaho na ko? Bad trip lang kasi na parang di ko madama na nagtutulungan kami. Minsan nga iniisip ko bat pa kami magteateam building eh parang wala naman ng magbabago? Hindi naman ako nagmamagaling, alam ko naman na Junior lang ako pero siguro naman may say ako sa mga nangyayari. Nakakalungkot lang isipin.
At dahil tapos na ang Summer classes, tiyak mababawasan na ang mga iniisip ko sa buhay :) Maraming mangyayari sa Summer na 'to bukod sa mga bagyo. Pero sana memorable pa rin dahil ever totoo ang 2012, ito na ang last Summer ng lahat 8D